Chel.19 Dasmariñas
AgustinianByHeart Kitkatbar swimming
black wehh!
in-love CrisVillonco Diwata
Friday, February 1
Monday, July 3
Monday, June 12
Wednesday, April 19
Friday, March 31
Thursday, March 30
Tuesday, March 28
testing!
Sa tagal na nating magkakilala, palaisipan pa rin sa akin kung pano tayo nagkakaintindihan. Pano ba naman, ingles, tagalog lang alam ko samantalang puros 0 at 1 lang naman ata bukambibig mo. Magka iba pa takbo ng utak natin- siguro kasi robot ka, at tao lang ako. Minsan hindi ko rin lubos maisip kung bakit pangarap mong maging robot, eh yung si BiCentenial man nga, buong buhay niya nagsikap siya para lang magpakatao.
Hindi ako magtataka kung alam mo kung kelan mo maaabot ang pangarap mong katanyagan, at makamit mo nga 'to sa oras na yun. Kalkulado mo naman na ata kada kilos mo. Baka nga may mahabang detalyadong flowchart ka kung saan andun lahat ng back-up plans pag may nagawa kang mga mali. Nung isang araw nga lang diba, tatlong oras akong naghintay sayo sa may Henlin MRT. Tatlong oras akong gutom, nagtitimpi at nag aalala pero pag dating mo nakapag bigay ka pa rin ng mala rhetorical scientific explanation kung bakit ka natagalan. Oo, alam ko yung Newton's third law, kaso sorry lang naman hinihintay ko. As I was saying, magiging maunlad ka nga siguro. Dahil tila tinago mo na sa isang forcefield o bubble sa kailaliman ng puso mo ang mga damdamin mo, walang ganong room for errors dahil wala nang irrational force that would make you act out of impulse.
Kahit naman nung college pa lang tayo, nung una pa lang, ganyan na pagka kilala ko sayo. Hehe.. Alala ko nga, nuon pinag tatawanan ka ng tropa kasi naman nakaka singit ka lang sa usapan pag tungkol sa mga ka high-tech-an. O, ngiti naman diyan, o iyak. Kahit ano,maexercise lang facial muscles mo. One time kaya, tapatan ko ng Full Erase Head- yung pang bura ng mga VHS- yung computer, or as you prefer to call it, Acer Centrino Pentium M 2.67 with WiFi- the third mo, para lang maasar ka't kumunot naman ng unti yang nuo mo.
Alam ko namang matalino ka, at hanga nga ako sayo. Wala ka kasing paki sa sinasabi ng ibang mga tao. Sa bagay, ano nga naman sa kanila kung ang nagpapatakbo lang sa mundo mo ay puro logic? Ano naman sa kanila kung ang past time mo ay mag code ng java at vb, makipag debate sa ibang mga robot tungkol sa mga scientific theories na sa mata ng normal na tao ay pwede namang palampasin, at mag compute para sa exact square root ng pi. Paki rin nila kung NGSB ka, ignorante pag dating sa mga banda at gimik, at walang ibang mapang bara sa kung di mga computer punch lines na hindi naman namin naiintindihan. Pinagtatawanan ka nila.. humahalakhak pa. Pero oo nga naman, paki mo ba? Eh hindi ka naman nila kilala.
Kung alam lang nila. Tao pa pa rin naman, diba? Taglay mo pa rin naman ang mga katangiang hindi taglay ng mga bagay na de-baterya. May pangarap ka- maging tanyag. Pasensyoso ka't desidido. Naaalala mo ba nung sabi mo kakain tayo sa Jolibee pagkatapos mong mag code ng PHP para sa thesis mo? Hindi mo tinigilan yung lintek na code nakatulog na nga ko't paggising ko andun ka pa ren sa harap ng monitor.
Hay, naiinggit ako sayo. Kasi praktikal ka masyado at wala kang paki sa mundo. Problema mo lang ay kung pano mo maaabot ang katanyagan na pinapangarap mo. Sana ganyan rin ako. Sana wala rin akong paki sa mga tao sa paligid ko para kaya kong tanggapin ang mga nagagawa nila't hindi nila nagawa, ng hindi ako naaapektohan at nasasaktan. Ewan ko ba. Sana robot na lang rin ako. Para hindi na ko nasasaktan pag hindi mo pinahahalagahan ang damdamin, oras, pasensya at pagmamahal na binibigay ko sayo.
Ay, oo nga pala, ikaw nga pala kausap ko. Ang gusto ko lang naman iparating talaga ay:
if gugustuhen mong magi talagang robot, hanggang
may pasensya ka, pagsikapan mo.
if pasensya = 0 bago mo pa maabot its a sign na siguro tao ka lang talaga't pansinin mo na mga emosyon mo dahil
elseif kahit anong mangyari, andito ako,
sumusuporta sayo.
Here is how you matched up against all the levels:Level Score Purgatory (Repenting Believers) High Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers) Low Level 2 (Lustful) Very High Level 3 (Gluttonous) High Level 4 (Prodigal and Avaricious) Low Level 5 (Wrathful and Gloomy) Low Level 6 - The City of Dis (Heretics) Very Low Level 7 (Violent) Moderate Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers) Low Level 9 - Cocytus (Treacherous) Moderate
Take the Dante's Inferno Hell Test
Bamboo
Pain
Leads to freedom
It's everyone's opinion not my own
Fame
Crystal kingdom
It's everybody's mission not my own
Not too youn
Not that old
Neither bitter
Neither cold
Just an optimist
Who's become a little cynical
Under gloom
Don't be afraid
Love is stronger than it all
Stronger than this soul divided
All those years i never really knew what love is
Till i found you..found you
This new faith where the altar is the bed
Where the church feels like a motel room
Where gold turns to lead
Hello
Do you belive
Love is stronger than us all
Stronger than two worlds colliding
I-you burn like fire from below sears the flesh feeds the souls desire
I-you stronger than before rising through the dust like a phoenix
Behind the giant spot light
stands Gotham's main attraction
Villain here, villain there
Evil lurking on land, sea and air
fear he knows not;
death and failure either
Behind the synthetic mask of blue
with his trusty sidekick,
shiny gadgets and elite production crew
he bravely swings into action
no pain, no tax nor destruction
with the help of modern technology
he saves the whole city
Cut. Its a wrap!
As he removes his cape
and cuts the crap
he begins, he returns and he's forever
but as human
to God he just surrenders
oo na jesus freak na ko.. paki mo? haha.
anyways.. resolution ko.. as in talaga. tunay na to! kakaririn ko na tong mp.. one time lng.. la na munang kebikebigan.. la na ren munang kwatro haha.. one time lng.. masaya ata mka kuha ng puros uno.
btw.. stig hostel. super. sarap.